Puno ng Panimdim


Puno ng Panimdim
ni Blue Darlene Palma

                     Nitong nakaraang Agosto ay nasalanta na naman ang Pilipinas ng sakuna, hindi lang isang earthquake o bagyo ngunit isang hangin,oo,hangin,Hanging Habagat o "South East Monsoon" (Kanlurang Silangang Monsoon).Matinding pagbaha and inabot ng mga mabababang lugar kagaya ng Malabon, Marikina, Quezong City, Cainta atbp.

                    Sa dako ng Marikina, madalas mayroong baha kapag may bagyo ay nakatira ang mag-anak ni Mang Arturo na may dalawang anak na babae, na sina Mika,siyam na taong gulang at Nara na matatapos na ng pag-aaral sa High School at ang kanyang asawa na si Aling Rita. Magtagal-tagal na ring mag-asawa sina Mang Arturo at Aling Rita,naging mahirap ang buhay para sa kanila dahil itinakwil sila ng kani-kanilang magulang sa gustuhing magpakasal kaagad at hanggang ngayon na may mga anak na sila ay hindi pa rin natutupad ang kanilang pangarap na maikasal sa simbahan.

                       Isang gabi, sa kuwarto ng magkapatid, "Ate Nara,bakit kaya hindi naikasal sina Inay at Itay noon?", napalingon si Nara sa tanong ng kanyang nakababatang kapatid. "Hindi ko rin alam kung bakit,pero kung gusto mo tayo nalang ang magkasal sa kanila Inay at Itay?",tugon ni Nara. "Uhh ehh paano natin gagawin iyon ate?", tanong muli ni Mika sa kapatid, ngumiti si Nara at ibinulong kay Mika ang mga gagawin sa kasal na pinaplano nila para sa kanilang mga magulang, at itinulog nalang nila matapos ang mahaba-habang pagplaplano.

Kinabukasan,sinimulan na ng magkapatid ang kanilang mga plano,kailangan nilang kumita ng pera sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga kakanin sa mga bahay bahay.Hindi binusisi ni Rita ang dahilan kung bakit kailangan ng mga anak niya ng pera,inisip niya nalang na may mga bagay na gustong mabili ang mga anak niya para sa sarili nila at hindi ito kayang ibigay niya at ng kanyang asawa dahil sila ay dukha lamang, nalulungkot siya tuwing papasok ito sa kanyang isipan.

"Ate sa tingin mo sapat na kaya ang limang libo?mahigit dalawang buwan na rin tayong nagbebenta ng mga kakanin.",tanong ni Mika sa kanyang nakatatandang kapatid. "Ewan ko,pero parang kulang pa iyan, ano kaya kung magbenta rin tayo sa eskwelahan?", ang mungkahi ng kanyang ate. "Sige ate,tutal maraming mahilig sa kakanin ng mga kaklase ko.", ang masayang tugon ni Mika.

Sa loob ekwelahan, pagkatapos ng klase, sa tapat ng kanilang bahay, tuwing may mga paligsahan, parada, at kung anu-ano pang mga kaganapan ay makikita ang magkapatid na nagbebenta ng kanilang kakanin upang maka-ipon ng pera para sa kasal ng kanilang mahal na magulang.Ngunit naging iba ang dating ng kanilang hangaring makaipon ng malaking pera sa mga magulang nila lalo na noong isang beses na tumanggi silang magsimba dahil nagbukas ang perya at gusto nilang magbenta ng kanilang mga kakanin pandagdag sa kanilang ipon.

"Inay, baka magsara na po ang perya kaya kayo nalang po muna ni Itay ang magsimba, magsisimba nalang po kami ni Mika bukas.",ang sabi ni Nara, naiwang tulala ang mag-asawa sa sinabi ng anak at hindi na rin sila naka-hindi sapagkat umalis na ang magkapatid.Binalak na sundan ni Aling Rita ang mga anak at pagalitan sa kanilang ginawa ngunit naramdaman niya ang kamay ng kanyang asawa na pumigil sa kanya at sinabi ni Mang Arturo sa asawa na, "Malaki na sila, at may mga pangarap din sila para sa kanilang sarili, hindi naman nila pinapabayaan ang kanilang mga pag-aaral, kaya ayoko na tayo pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pangarap nila.", hindi na nakasagot si Aling Rita sa sinabi ng asawa at pumasok nalang sa simbahan.

"Tignan mo Mika ang dami ng perang naipon natin para kina Inay, siguradong matutuwa sila sa kanilang magiging kasal.", matuwang sabi ni Nara sa kapatid ngunit ng marinig nila ang katok ng kanilang ina ay itinago nila ang pera sa sobreng puti at inilagay sa ilalim ng knilang higaan."Mga anak halina kayo at kakain na tayo!", ang tawag ng kanilang ina nang buksan ang pinto. "Opo,Inay!", sabay na tugon ng magkapatid.

Sa hapagkainan, "Mga anak mag-ingat kayo papunta ng eskwelahan bukas at baka magkaroon daw ng hanging habagat.", ang banta ng kanilang ina. "Eh,inay hangin lang naman iyon.", ang pilosopong sabat ni Mika. Siniko siya ng kanyang ate at sinabing, " Mika,parang bagyong Ondoy daw yon, kaya ito sinasabi ni Inay sa atin."

At iyon na nga ang huling hapunan nila na kumpleto ang kanilang pamilya, dahil itong nakaraang araw lang ay binalita ng kanilang kapit-bahay na nalunod ang kanilang bunsong anak sa sobrang pagtaas ng baha at nang sinubukan sagipin ng panganay na anak na si Nara ang kanyang kapatid ay nabagsakan siya ng gulong na dumulas sa bubong, nawalan ng malay at tuluyan ng nalunod at....namatay sila dahil sa hanging habagat.

Humahagulgol, umiiyak, nagdurusa, at higit sa lhat nalulungkot sa pagkamatay ng kanilang mga anak. Ang burol nila aay nakalutang sa maduming tubig dulot ng baha. Wala na atang mas masakit sa lahat kundi ang mawalan ng anak....hindi lang isa kundi dalawang anak ang binawi ng diyos sa pamiya ni Mang Arturo.

Ang perang inipon ng magkapatid para sa inaasam-asam na kasal ng kanilang magulang ay napunta sa lamay,pagpapaburol at sa pagpapalibing sa magkapatid.

Ang buhay ng pamilya ni Mang Arturo ay punung-puno ng pagdadalamhati,pagkalungkot,at ng panimdim.

Dahil lang sa isang napakalakas na hangin ang bumawi sa buhay ng dalawang magkapatid.Nawalan sila ng bahay noong ondoy at ngayon buhay naman ang kinuha. Minsan napapaisip si Mang Arturo kung sa susunod na bagyo or hangin ay ang babawi rin sa buhay ng mag-asawa.

Napakalungkot mang isipin, hindi naman maiiwasan, dahil hindi natin hawak ang ating mga buhay tanging ang maykapal ang siyang makakapagsabi kung kelan at saan tayo malalagutan ng hininga.

0 komento:

Post a Comment


up