DAHIL SA HABAGAT

 DAHIL SA HABAGAT
ni Jhana Reyes



             Noong Agosto 2012, dumating sa Pilipinas ang isang habagat. Tila Ondoy ang naranasan ng buong Pilipinas sa lakas ng hangin at malakas na ulan na nagdulot ng baha sa madaming lugar sa Pilipinas. Madaming Pilipino and naapektuhan ng habagat. Halos lahat na ng paaralan ay nasuspindi, madaming mga trabaho ang hindi magawa dahil sa malakas na ulan, madaming tao ang hindi makapunta sa trabaho o kung saan man sila paparoon dahil sa baha at madami rin ang namatay dahil sa habagat. 

                  Ako si Juan, pinanganak ako na hindi na makakita. Ang aking tatay ay si Roberto, ang aking nanay naman ay si Marie at may isa akong kapatid na si Nenita. Nang malaman ko na may habagat na parating sa aming bansa, hindi ko inaasahan na isang malaking trahedya ang dala nito, lalo na sa aking pamilya. Sa Marikina kami nakatira at ang aming bahay ay laging binabaha. Ang malala pa ay isang palapag lamang ang aming bahay. Unang araw pa lang ng pagdating ng habagat ay binaha na ang aming bahay. Naririning at nararamdaman ko ang pagtaranta ng aking mga magulang. Dahil hindi ako makakita, hindi ko alam kung paano ako makakatulong. Nagdasal na lamang ako at sinamahan si Nenita sa kanyang kwarto. Bigla na lamang sinabi ni Nenita na siya ay nanghihina. Agad kong tinawag si inay para ipaalam ang nararamdaman ni Nenita. "Inay, ano po nangyayari kay Nenita?" kabadong itinanong ko kay inay. "Umaapoy sa init ang iyong kapatid, Juan." sagot ni inay. Hindi ko alam ang gagawin ko, niyakap ko na lamang si Nenita at pinunasan para bumaba ang kanyang lagnat. Naririnig ko si tatay at nanay na nagsisigawan at sinusubukan na gumawa ng paraan na madala si Nenita sa ospital. Sinubukan kong kumilos at gumawa ng paraan para kami ay makalabas ng bahay bago umabot sa bewang ang tubig sa loob ng bahay. Sinubukan ko na buksan ang pinto ng aming bahay ngunit, ang baha ay pinipigilan ito. Bumagsak ako ng ilang beses pero hindi ako sumuko. Nang mabuksan ko ang pinto, humingi ako agad ng tulong. Hindi naging hadlang ang aking kapansanan sa paghahanap ng mga taong puwede tumulong sa amin. Wala akong makita habang ako ay naglalakad sa baha na lagpas bewang na. Sa wakas, may isang lalaking lumapit sa akin at handang tumulong.



                 Si Ronaldo ay isang tagasagip ng aming barangay. Pinasakay niya ako sa bangka papunta sa aming bahay. Sinabi ko sa kanya na importante na madala ang aking kapatid sa ospital sa lalong madaling panahon. Naghintay lamang ako sa bangka habang nagdadarasal. Naririnig ko ang boses ni inat at itay. Niyakap at pinagalitan nila ako dahil hindi ako nagpaalam sa kanila at sila'y pinag-alala ko. Ako ay humingi ng tawad at agad na tinanong kung asan si Nenita. Katabi ko raw siya at nang siya ay mahawakan ko, siya ako nanginginig sa lamig. Naririnig ko nang umiyak si inay at ipinaubaya ko na lamang sa diyos ang kalagayan namin. Nang makadating kami sa lugar na hindi masyadong baha, kami ay pinasakay sa kotse. Yakap-yakap ko lamang si Nenita para hindi na siya lamigin. Sa wakas, sabi ng isang lalaki na nasa ospital na kami. Sa emergency room isinugod si Nenita dahil malala na raw ang kanyang nararamdaman. Habang hinihintay si Nenita na lumabas at malaman ang kanyang kalagayan, namromroblema na ang aking mga magulang kung saan sila kukuha ng pera para mabayaran ang mga gastusin sa ospital. Tinignan ni itay kung magkano lahat, at laking gulat ni iyay na bayad na ang lahat at libre na ang lahat. Nalaman na lang namin na si Ronaldo ang nagbayad sa lahat. Sa lahat ng biyaya ng diyos, may mga problema din na dumadating.



           Pagkalipas ng 8 oras ng paghihintay, nalaman na lamang namin na patay na si Nenita. Hindi niya nakayanan ang matinding sakit ng kanyang ulo na sinabayan pa ng matinding lagnat. Gumuho ang mundo namin. Sinugod ko ang emergency room at hinanap at kinapa ang buong kuwarto hanggang maramdaman ko ang katawan ng aking kapatid. Sinisisi ko ang habagat sa pagkamatay ng kapatid ko. Hindi ako makapaniniwala na dahil sa habagat, namatay si Nenita

0 komento:

Post a Comment


up