Ang Kasagsagan ng Habagat

Ang Kasagsagan ng Habagat
ni Natasha Castillo-Lee

                    Setyembre 26, 2009, ang araw na hindi kailanma’y makakalimutan ng mga Pinoy. Ito ang araw na marami ang nabago ang buhay. Ika nga naghagsik ng lagim ang bagyong Ondoy, tila isang masamang panaginip. Nagdulot ito ng malaking pinsala sa mga tahanan, istraktura at ang kalikasan. Halos buong araw na bumuhos ang napakalakas na ulan. Marami ang nawala at namatay. Maituturing na ang bagyong Ondoy ang pinakamalakas sa lahat ng mga nagdaang bagyo. Ilang taon na rin ang nakalipas ngunit hindi pa rin sapat para maghilom ang mga sugat ng lahat na naapektuhan noon.

            Sa isang malapalasyong bahay ay may nakatira na kambal na babae, na nagngangalang Demmie at Debbie. Ang kanilang Ama ay kasalukuyan na nasa abroad dahil may tinatapos lang na trabaho doon. Samantala ang kanilang Ina ay pumanaw dahil sa walang tigil ang pagtulong niya sa mga kababayan noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Tila isang anghel sa lupa dahil siya ay mapagmahal at binibigyan niya ng halaga ang mga hayop, kalikasan at ang mga kababayan. Marami siyang proyekto para sa mga ito kahit na hindi siya politoko. Hindi tulad ng kanilang Ina, sina Demmie at Debbie ay makasarili, hindi nakikisalamuha sa mga tao, nag-aaksaya ng pagkain, burara. Parating pinapaalala ni Yaya Tarsing, ang kanilang yaya sa maraming taon ang kahalagahan ng lahat ng bagay.


                 Dumating ang araw na hindi na kaya umano nina Yaya Tarsing at ng kanilang ama ang pag-uugali ng kambal. Hindi napigilan ni Yaya Tarsing ang kanyang sarili at kinausap ang kambal “alam ninyo napakaswerte ninyo. Marami ang walang makain, walang tirahan, walang maayos na pamumuhay, pero kayo halos lahat nasa inyo na. Bakit ba hindi ninyo makita ang kahalagahan nito? Imbis na pinagdadamot ninyo ang lahat ng meron kayo sana matuto kayong magbigay sa mga nangangailangan. Tandaan ninyo ginawa ng Diyos na mayroon kayong maayos na buhay para tulungan ang iba. Hindi pa naman huli ang lahat. Huwag ninyong bibiguin ang inyong mga magulang.” At habang nagsasalita si Yaya Tarsing lumabas sa balita na may namumuong sama ng panahon na maaring maging kasing lakas ng Bagyong Ondoy. Sabi ni Yaya Tarsing “O ayan, may bagong bagyo ulit, siguradong marami ang mangangailangan ng tulong natin.”

                      Ikalawang araw makalipas ang balita tungkol sa habagat. At tila lumalakas pa ito, wala namang bagyo pero ito ay napakalakas. Naglalaro umano ang kambal hanggang sa may naririnig sila sa kanilang gate. Mga limang pamilya ang nandoon, humihingi ng tulong. Pinaalis sila ng kambal pero hindi kaya ng kanilang guwardya dahil gusto rin niyang tumulong kaya’t yung kambal ang nagpaalis. May isang Ina doon at sinabi “napakasakim ninyo, bakit hindi ninyo gayahin ang inyong magulang? Sana maranasan ninyo ang pinagdadaanan namin ngayon para malaman ninyo kung gaano kahirap.” Sumapit na ang gabi at tila napakalakas nan g ulan, ang baha sa kanilang lugar ay halos nasa beywang na. Pinapaalis na sila ng mga taga baransgay para lumipat sa covered court. Tinawagan ni Yaya Tarsing ang kanyang amo para sabihin ang tulong dito. Napagdesisyunan na lumikas na sila. Ayaw na ayaw ng kambal ngunit wala naman silang magawa.

                       Matapos ang dalawang araw na nasa covered court sila ay nakabalik na sila sa mga kabahayan at naiintindihan na nila ang mga bagay-bagay. Naisip din nila na kung sila nga dalawang araw lang napagdaanan ay hirap na hirap sila, papaano pa kaya ang mga tao na matagal na nilang pinagdadaanan at natuto pa silang ngumiti sa kabila nito. Pagkauwi ng Ama nila ay laking tuwa na ang kambal ay tumutulong sa mga naapektuhan ng bagyo at pinagmamalaki sila ng kanilang Ama. Kaya mula noon ay tumutulong na sila para sa ikabubuti na mga tao, hayop at kalikasan.
At diyan nagtatapos ang maikling kwento.

Pana-Panahon ng Pagkakataon


Pana-Panahon ng Pagkakataon
ni Karen Ramos

             “Sapagkat sa panahong ito, ang hanging Habagat ay patuloy pa rin sa paghumpasay sa buong Metro Manila, kaya idineklara nang walang pasok ang lahat ng antas ng paaralan buong linggo.” Narinig ito ni Yna sa radyo habang siya’y nag-mumuni-muni sakanilang kabahayan. Siya’y agad nagtawag ng kanyang mga kaibigan upang simulan ang pag-sasaya sa 1 linggong wala silang gagawin kundi magpakasabog sa libreng panahon.


                        “Osya, bebu, tatawagin ko na ang buong barkada! Nakapag-paalam ka na ba kila Tita Tina at Tito Albert?” banggit ni Shiela sa telepono habang kausap si Yna. Sagot ni Yna, “Oo naman! Sige lang, sandali, tatawagan ko si May kung makakauwi siya para kumpleto naman tayo rito at matagal ko na rin siyang hindi nakikita.” “Oh sige, bibili na kami ng mga kasangkapan sa ating pagsasaya.” Paalam ni Shiela pagkatapos ay baba ng telepono.


                         Hapon ito, madilim ang mga ulap at may baha na sa labas ng bahay nila Yna, ngunit hindi ito nakapagpigil sakanilang pagtitipon sapagkat mandirigma ang kaniyang mga kaibigan. Unang dumating si Dan, ang dating kasintahan ni Yna.


                        “Ynaaaa! Ito nanaman tayo, ano, balik sa dating gawi!” patawang sabi ni Dan. “Ayos lang iyon, Dan, paminsan-minsan nalang ang opurtunidad na ito kaya’t sulitin na! Asan na ba iyong iba?” sabi ni Yna, habang siya’y nag-aayos ng mga lamesa at upuan. Tinulungan siya ni Dan sabay banggit, “Paparating na, mabagal ang lakad kapag may kalaban kang tubig, Yna. Konting tiis lang. Bumili na rin sila kasama si Shiela.”


                        Lumipas ang 5 minuto ay nagsidatingan na silang lahat sabay-sabay. Inaasar ng barkada si Dan, “Aba aba, ano itong nakikita ko, muling ibalik ba?” hirit ni Mario kay Dan. “Hoy, hoy, hoy, gumagawa nanaman kayo ng isyu diyaan ha, hali na nga kayo at simulan na natin ito!” Sagot ni Dan sakaniyang mga kaibigan. “Nasaan si May, Yna? Hindi ba dapat makakauwi na siya ngayon sapagkat wala naman nang pasok?” malungkot na sabi ni Allan. “Na-trap daw siya doon eh, mataas-taas ang tubig, mahirap daw tahakin ng komyut. Susubukan daw niyang humabol kapag masundo siya ni Tito.” “Pati nga daw si Dianne eh, wala sila parehong kasama doon. Kawawa naman. Tawagan natin!” pahabol ni Shiela. At habang sila’y nag-kwekwentuhan at nag-iinom, lumabas si Albert, ama ni Yna, para sabihin ang malungkot na balita. “Anak, mukhang mahihirapan silang sunduin roon si May, nagpatawag na kami ng rescue patrol para malutasan na. ‘Di nakakadaan ang mga kotse sa lugar nila, eh.” “Hala! Sige, Pa, kakamustahin ko sila doon. Sana ligtas sila.” Pasigawa na sabi ni Yna.


                      Sabay-sabay nilang kinausap si May sa telepono, may kasamang asar at hiyaw at pagkalungkot sapagkat siya nanaman ang wala sa barkada ng araw na iyon. “Hayaan niyo, tirhan niyo ako at pagdating ko diyaan, ipapagtuloy natin ito! Huwag niyo ako masyadong mamiss ah, kung makakalipad lang ako, hay naku, mas nauna pa akong nag-iinom diyan.” Pabirong sabi ni May. Pahabol pang, “Si Dianne nga eh, gusto na naming magsama kaso nasa kabilang dako siya ng mundo, ang hirap puntahan, may ahas na nakawala sa bahang tatahakin namin kaya’t nanatili nalang kami dito kaysa mamatay ng ‘di oras.” Natakot si Allan kaya’t sinabi, “Hoy mag-ingat kayo diyan, please. Please lang, May. Gusto ka pa naming makitang buo, walang labis at kulang. Makipag-kaibigan ka muna diyaan sa ibang mga kasambahay mong ewan, para ‘di ka masyadong mabaliw nang mag-isa.”


                      Humirit ang barakada, “Woshooooo! Miss ka lang niyan May! Ha ha ha!”


                     Nanatili si May na nasa telepono lang habang ang barkada ay magkakasama at patuloy sa pakikipag-usap sakaniya nang sabihin niyang, “Guys! Papunta na ang rescue namin! Sa wakas at maliligtas na kami rito. Osiya, kita-kits nalang ha! Makikikain lang ako sa kapitbahay ko at mukhang napakasarap ang kanilang handa.”


                 Naghiyawan ang lahat at talagang nagtira pa sila para kay May at Dianne. Sa dorm ng USTE habang si May ay nag-aayos ng kanyang gamit, dumating ang rescue patrol at sumama na siya, kasama si Dianne.


              Nakarating na sila sa bahay ni Yna, at pinagpatuloy pa nila ang pag-sasaya sapagkat sila’y nakumpleto na, walang labis, walang kulang, tulad ng ipinangako at gusto ni Allan. Nagsama-sama at nagyakapan sila, at kinaibigan rin ng mga lalaki si Dianne, na siyang matalik na kaibigan nila Shiela at Yna.


                    Natapos ang araw nang silang lahat ay masaya at ligtas sa habagat na hangga’t sa huling sandali ay wumawasak parin sa buong Metro Manila, ngunit hindi nila ito hinayaan na hangtungan sakanilang pagsasama at pagsasaya dahil minsan ang panahon ay, weather, weather lang talaga.

Puno ng Panimdim


Puno ng Panimdim
ni Blue Darlene Palma

                     Nitong nakaraang Agosto ay nasalanta na naman ang Pilipinas ng sakuna, hindi lang isang earthquake o bagyo ngunit isang hangin,oo,hangin,Hanging Habagat o "South East Monsoon" (Kanlurang Silangang Monsoon).Matinding pagbaha and inabot ng mga mabababang lugar kagaya ng Malabon, Marikina, Quezong City, Cainta atbp.

                    Sa dako ng Marikina, madalas mayroong baha kapag may bagyo ay nakatira ang mag-anak ni Mang Arturo na may dalawang anak na babae, na sina Mika,siyam na taong gulang at Nara na matatapos na ng pag-aaral sa High School at ang kanyang asawa na si Aling Rita. Magtagal-tagal na ring mag-asawa sina Mang Arturo at Aling Rita,naging mahirap ang buhay para sa kanila dahil itinakwil sila ng kani-kanilang magulang sa gustuhing magpakasal kaagad at hanggang ngayon na may mga anak na sila ay hindi pa rin natutupad ang kanilang pangarap na maikasal sa simbahan.

                       Isang gabi, sa kuwarto ng magkapatid, "Ate Nara,bakit kaya hindi naikasal sina Inay at Itay noon?", napalingon si Nara sa tanong ng kanyang nakababatang kapatid. "Hindi ko rin alam kung bakit,pero kung gusto mo tayo nalang ang magkasal sa kanila Inay at Itay?",tugon ni Nara. "Uhh ehh paano natin gagawin iyon ate?", tanong muli ni Mika sa kapatid, ngumiti si Nara at ibinulong kay Mika ang mga gagawin sa kasal na pinaplano nila para sa kanilang mga magulang, at itinulog nalang nila matapos ang mahaba-habang pagplaplano.

Kinabukasan,sinimulan na ng magkapatid ang kanilang mga plano,kailangan nilang kumita ng pera sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga kakanin sa mga bahay bahay.Hindi binusisi ni Rita ang dahilan kung bakit kailangan ng mga anak niya ng pera,inisip niya nalang na may mga bagay na gustong mabili ang mga anak niya para sa sarili nila at hindi ito kayang ibigay niya at ng kanyang asawa dahil sila ay dukha lamang, nalulungkot siya tuwing papasok ito sa kanyang isipan.

"Ate sa tingin mo sapat na kaya ang limang libo?mahigit dalawang buwan na rin tayong nagbebenta ng mga kakanin.",tanong ni Mika sa kanyang nakatatandang kapatid. "Ewan ko,pero parang kulang pa iyan, ano kaya kung magbenta rin tayo sa eskwelahan?", ang mungkahi ng kanyang ate. "Sige ate,tutal maraming mahilig sa kakanin ng mga kaklase ko.", ang masayang tugon ni Mika.

Sa loob ekwelahan, pagkatapos ng klase, sa tapat ng kanilang bahay, tuwing may mga paligsahan, parada, at kung anu-ano pang mga kaganapan ay makikita ang magkapatid na nagbebenta ng kanilang kakanin upang maka-ipon ng pera para sa kasal ng kanilang mahal na magulang.Ngunit naging iba ang dating ng kanilang hangaring makaipon ng malaking pera sa mga magulang nila lalo na noong isang beses na tumanggi silang magsimba dahil nagbukas ang perya at gusto nilang magbenta ng kanilang mga kakanin pandagdag sa kanilang ipon.

"Inay, baka magsara na po ang perya kaya kayo nalang po muna ni Itay ang magsimba, magsisimba nalang po kami ni Mika bukas.",ang sabi ni Nara, naiwang tulala ang mag-asawa sa sinabi ng anak at hindi na rin sila naka-hindi sapagkat umalis na ang magkapatid.Binalak na sundan ni Aling Rita ang mga anak at pagalitan sa kanilang ginawa ngunit naramdaman niya ang kamay ng kanyang asawa na pumigil sa kanya at sinabi ni Mang Arturo sa asawa na, "Malaki na sila, at may mga pangarap din sila para sa kanilang sarili, hindi naman nila pinapabayaan ang kanilang mga pag-aaral, kaya ayoko na tayo pa ang maging dahilan ng pagkasira ng pangarap nila.", hindi na nakasagot si Aling Rita sa sinabi ng asawa at pumasok nalang sa simbahan.

"Tignan mo Mika ang dami ng perang naipon natin para kina Inay, siguradong matutuwa sila sa kanilang magiging kasal.", matuwang sabi ni Nara sa kapatid ngunit ng marinig nila ang katok ng kanilang ina ay itinago nila ang pera sa sobreng puti at inilagay sa ilalim ng knilang higaan."Mga anak halina kayo at kakain na tayo!", ang tawag ng kanilang ina nang buksan ang pinto. "Opo,Inay!", sabay na tugon ng magkapatid.

Sa hapagkainan, "Mga anak mag-ingat kayo papunta ng eskwelahan bukas at baka magkaroon daw ng hanging habagat.", ang banta ng kanilang ina. "Eh,inay hangin lang naman iyon.", ang pilosopong sabat ni Mika. Siniko siya ng kanyang ate at sinabing, " Mika,parang bagyong Ondoy daw yon, kaya ito sinasabi ni Inay sa atin."

At iyon na nga ang huling hapunan nila na kumpleto ang kanilang pamilya, dahil itong nakaraang araw lang ay binalita ng kanilang kapit-bahay na nalunod ang kanilang bunsong anak sa sobrang pagtaas ng baha at nang sinubukan sagipin ng panganay na anak na si Nara ang kanyang kapatid ay nabagsakan siya ng gulong na dumulas sa bubong, nawalan ng malay at tuluyan ng nalunod at....namatay sila dahil sa hanging habagat.

Humahagulgol, umiiyak, nagdurusa, at higit sa lhat nalulungkot sa pagkamatay ng kanilang mga anak. Ang burol nila aay nakalutang sa maduming tubig dulot ng baha. Wala na atang mas masakit sa lahat kundi ang mawalan ng anak....hindi lang isa kundi dalawang anak ang binawi ng diyos sa pamiya ni Mang Arturo.

Ang perang inipon ng magkapatid para sa inaasam-asam na kasal ng kanilang magulang ay napunta sa lamay,pagpapaburol at sa pagpapalibing sa magkapatid.

Ang buhay ng pamilya ni Mang Arturo ay punung-puno ng pagdadalamhati,pagkalungkot,at ng panimdim.

Dahil lang sa isang napakalakas na hangin ang bumawi sa buhay ng dalawang magkapatid.Nawalan sila ng bahay noong ondoy at ngayon buhay naman ang kinuha. Minsan napapaisip si Mang Arturo kung sa susunod na bagyo or hangin ay ang babawi rin sa buhay ng mag-asawa.

Napakalungkot mang isipin, hindi naman maiiwasan, dahil hindi natin hawak ang ating mga buhay tanging ang maykapal ang siyang makakapagsabi kung kelan at saan tayo malalagutan ng hininga.

Sa Gitna ng Ulan


Sa Gitna ng Ulan

ni Danielle  Bongato


            Habang natutulog ang mga tao sa isang baryo, hinid nila namalayan na ang ulan nararanasan nila ay lumalakas. Noong umaga na nagulat nalang sila’y lubog na ang kanilang kagamitan at lumalakas ang pagbuhos ng ulan.

           

            Sa isang sulok ng isang bahay may nakaupong binata na nakatapat sa bintana. Habang nakatingin ang binata sa bintana, hindi niya namalayan na may pumuasok sa kwarto.

“Ethan” lumingo ang binata kung san niya narinig ang kanyang pangalan.

“Ate Sheila…” Nakita ni Sheila sa mata ng kanyang kapataid ang emosyon na nararanasan nga. “Ethan, alam ko na nag-aalala ka sa kanya. Pero gusto ko lang sabihin sayo na ayos lang siya at ang pamilya niya” sabi ni Sheila sa kapatid.

“pero Ate, paano kung meron nangyari sa kanya? Paano kung tumass ang tubig? Yub lugar pa nila madalas bahain?” sinabi ni Ethan sa Ate niya.

Humingang malalin si Sheila at tumingin sa kapatid. “Wag mong isipin yun. Dapat positibo ang iniisip mo!” ngumiti si Sheila. “Subukan mo kayang tawagan siya. Iyon

Pwede hindi ka na mag-aalala.” Pagkatapos lumabas ng kwarto si Sheila.



            Pagkalipas ng ilang minuto, inilabas ni Ethan ang kanyang telepono at tinawagan ang kaibigan niya. “Hello?”

“Ophelia”

“Ethan! Buti naman na ligtas ka. Kamusta naman ang pailya mo? Maayos lang ba kayo dyan? Hindi ba magulo dyan? Lumal-“


“Ophelia” pinutol ni Ethan ang sinabi ni Ophelia. “Wag ka mag-alala sa akin. Mas alalahan mo ang sarili mo.” Sinabi ni Ethan sa kaibigan. “Gusto ko malaman kung maayos lang kayo ng pamilya mo at kung meron nangyayari sa inyo.”

”….Ethan” lungkot na sinabi ni Ophelia “ Kahit sabihin ko na maayos lang kami…. Hindi ka maniniwala sa akin.”

“Ophelia”

“Mabilis na tumataas ang tubig ditto. At nakapasok na ang tubig sa bahay naming.” Sabi ni Ophelia habang pinigil niyang umiyak.

“Ophelia wag kang umiyak. Maghahanap ako ng may tutulong sa inyo. Tatawagan ko Tito ko, iyon pwede kayo tulungan. Sasabihin ko sa magulang ko kung pwede kayo sagupin. Pwede ko din-“

“Ethan hindi mo naman kailangan gawin yan.”

“Pero gusto ko talaga tulungan ka Ophelia. Mahalaga ka sakin.” Sinabi ni Ethan habang namumula ang mukha.

“Ethan…hindi pa ako mawawala.” Sabi ni Ophelia habang sinusubukang pigilin ang tawa niya. “Masyagon kang kang nag-iisip kung ano.”

“Ophelia naman.” Pahiyanh sinabi ni Ethan.

“Hya nako Ethan, masyado ka nag-aalala. Si Ian nga hindi natatakot” painis na sinabi ni Ophelia. “Mas matanda ka nga ng ilan taon sa kanya. Tapos ikaw pa ‘yon hindi malakas.”

“Haha natatawa ako.” Pauyan sinabi ni Ethan.

“Pero, salamta talaga Ethan sa pag-aalala mo.”

Ngumiti si Ethan sa sinabi ni Ophelia. “Walang anuman. Basta para sayo at pamilya mo.”

Pagkatapos iyon, nag-usap ang dalawa ng ilang minto. Subalit sa gitna ng usapan nila bigla nawala ang komunikasyon ni Ethan kay Ophelia. Dahil sa biglaang pangyayari, sinubukang tawagan ulit ni Ethan si Ophelia, subalit hindi na niya magtawagan si Ophelia.



            Noong nalaman ni Sheila kung ano nangyari kay Ophelia, sinabi niya iyo sa kanyang ina at mabilis noya kinuha ang telepono at gumawa ng mga tawag. Si Sheila naman, pumunta sa kwarto ng kapatid at sinubukang pakalmahin ang kapatid. Pagkalipas ng mahabang oras, dumating ang ama nina Sheila at Ethan at sinabi sa kanila kung bakit gabi ni siyang nakauwi.

Tay, tumulong ka?” pagulat na tinanong ni Sheila sa ama.

“Syempre naman! Tinawagan nga ako ng nanay niyo na kailangan ng tulong ang kaibigan ko.”

‘Tinawagan ka ni ina…’ paisip na sinabi ni Sheila habang sumisilip sa kanyang ina.

“Buti naman na tinawagan ako ng nanay mo, dahil kung hindi ko nalaman iyon baka kung anon a nangyari sa kanya at sa pamilya niya.” Pinagpatuloy ng ama nila ang sinasabi. “Kaya nagpasya ako na dito muna sila titira habang lubog pa ang bahay nila.”

“Ayos lang sa akin, Mahal” Sabi ng ina nila.

“kaibigan mo naman itay ehh, ayos lang din sa akin.” sabi ni Sheila sa ama. Tumingin lahat kay Ethan. “Hmm? Ano nangyayari?” tanong ni Ethan

“*smack* ARAY!” sigaw ni Ethan. “Bakit mo naman ako tinamaan Ate!?”

“Hindi ka ba makikinig sa pinag-uusapn naming?!” sabi ni Sheila sa kapatid.

“Sheila, wag mo naman tamaan kapatid mo.” Sabi ng ina nila. “Tama si Inay! Wag mo ako tamaan!” Nagbigay ng masamang tingin si Sheila sa kapatid at binalik din ng masamang tingin ang kapatid niya. “Magsipagtigil na kayong dalawa!” utos ng ina nila. “Ethan, ang pinag-uusapn naming kung bakit gabi na nakauwi ang ama niyo at meron din makikituloy sa atin habang lubog pa ang bahay nila.” Sinabi ng ina nila kay Ethan. “Ayos lang bas a iyo? Kaibigan naman ng tatay mo yun.” Tumingin si Ethan sa nanay niya tapos sa ama niya tapos balik sa nanay niya. “Ayos lang sa akin. Kilala naman ni yta at parang kilala mo din.” Ngumiti ang nanay nila habang malalim ang iniisip ni Sheila.

‘Ang lakas ng kutob ko na pamilya ni –‘ naputol ang pag-iisip ni Sheila nung pinakilala sa kanila ang kaibigan ng ama nila at ang pamilya niya. ‘Tama ako’ sabi ni Sheila sa sarili.

“Ito si Rob, yun kaibigan ko, ang asawa niya si Helen, ang bunsong anak niya si Ian at ang panganay si-“ Pinutol ni Ethan ang sinabi ng ama niya. “Ophelia?”

Ngumiti si Ophelia at biglaang niyakap siya ni Ethan. “Aba, ibang klase itong kapatid ko. Sa harap pa ng magulang ni Ophelia pa.” sabi ni Sheila sa kanyang sarili subalit narinig ito ng ina niya.

“Mana talaga siya sa ama niyo.” Sabi ng ina niya. “Nay! Narinig niyo yun sinabi ko?!” Ngumiti ang nanay nila at tumngin sa isa nyang anak.

--balik kina Ethan at Ophelia—

“E-ethan” sabi ni Ethan habang namumula ang mukha.

“Ophelia kung alam mo lang na espesyal ka sa buhay ko.” Sabi ni Ethan habang niyayakap si Ophelia

Piso


Piso
ni Carol Encarnacion

                 Walang tigili ang ulan, umaga’t gabi tuloy tuloy ang daloy ng bawa’t patak ng tubig galling sa madilim na ulap. Lahat ng tao sa barangay “Shi-Shiro” ay nakasilong sa kanilang mga tahanan, ngunit may isang matandang babae na ang pangalan ay Aling Roan siya ay nakasilong sa isang malaking punong narra sa may kanto. Basang-basa an kanyang mukha,butas an kanyang damit at short at sira-sira ang kanyang tsinelas.

             May kasama siyang batang lalaki na ang pangalan ay Tobby hinihintay nilang pareho na tumila ang ulan bago silang pumunta sa kanilang bahay. Nung makarating sila sa dulo ng tinatayuan nila nakakakita si Tobby ng piso kinuha niya ito at inilagay sa kanyang bulsa.

                Walang kamalay-malay si Aling Roan na nawawala si Tobby, nakarating na si Aling Roan sa kanilang munting tahanan siya ay nagluto ng hapunan at nagwalis ng sahig. Pagkatapos mag luto at mag walis tinwag niya si Tobby para maligo ngunit walang sumasagot sakanya, nagtaka si Aling Roan kung bakit walang sumasagot sa kanyang paulit-ulit na sigaw at tawag kay Tobby. Nilibot niya ang buong bahay at bakuran ngunit wala parin siyang Makita na Tobby. Kinabukasan tuloy-tuloy ang agos ng ulan, bumabaha na sa kanto ng kanilang kubo pero hindi pa rin tumitigil si Aling Roan sa kakahanap buong araw siya naghahanap at nag tanong kahit hating gabi na hindi pa rin tumutigil si Aling Roan sa kakahanap kay Tobby.

                Makalipas ng 4 na taon. Hindi pa rin nahahanap si Tobby, tumantanda na rin si Aling Roan at lumalabo na rin si Aling Roan at lumalabo na rin ang kanyang mga mata at ang mas malala nahihirapan na siyang umintidi at makaalala. Habang nagdidilig si Aling Roan sa harap ng kanyang kubo, may lumapit na babae kay Aling Roan na ang pangalan ay Susan at sinabi niya na nakita niya si raw Tobby sa may Quiapo nagtitindi ng mga sampaguita sa kalye. Napatigil si Aling Roan sa pagdidilig at niyakap niya si Susan nang mahigpit habang tumutulo ang kanyang luha hindi nag tagal pumunta si Aling Roan sa Quiapo, Dinala ni Susan si Aling Roan sa simbahan kung saan nakatambay minsan si Tobby, habang naglalakad sila papuntang simbahan nakita agad ni Susan si Tobby tinawag niya ito at pinakilala niya kay Aling Roan, ngunit nag taka si Tobby kung sino siya hindi na niya ito maalala kahit niyakap ni Aling Roan hindi parin maalala kung sino si Aling Roan, iba na ang itsura ni Tobby binata na ito at mas nagging payat dahil wala itong makain.

               Umiiyak si Aling Roan hindi lang dahil sa tuwa pero dahil hindi na siya kilala si Tobby, kinausap niya ang kaibigan ni Tobby na kasama niya sa pagbebenta at sinabi ng binata na; na hanap nalang raw si Tobby sa may sulok na umiiyak at basang basa sa ulan sa sobrang awa ng binata dinala niya si Tobby sa kanilang tahanan at doon na siya lumaki. Napangiti nalang si Aling Roan at niyakap niya ang binata at nagpasalamat na din, napaluha nanaman si Aling Roan wala na siyang magawa kahit pilitin niya si Tobby na sumama sa kanya. Ang naalala lang ni Tobby na ang ama at ina na magulang ng kaibigan niya. Hinalikan niya si Tobby at nagpaalam sakanya napaiyak si Tobby nang paalis na si Aling Roan ngunit pinili parin ni Tobby na mag benta sa kalye ng sampaguita para makapag tapos siya ng pag aaral at para sa kanyang nanay at tatay.

Ang Habagat na Nagbago ng Buhay


Ang Habagat na Nagbago ng Buhay
ni Gianina Cuartero

                  Kada taon unti-unting nasisira ang kalikasan, naapektuhan ang kalagayan o panahon ng buong myndo. Dumadami at sunod-sunod ang pagdating ng ulan at bagyo, madami na ang naapektuhan dito tulad ng pagbabaha sa loob ng bahay, nagkakasakit at nawawalan ng malinis na tubig at pagkain. Ito ang higanti ng kalikasan sa atin, pero meron ba tayong ginagawa para mapigilan o iwasan ito? Pero kung meron naman tayong ginagawa ay minsan nakakalimutan natin itong gawin o konti lang ang sunusuporta para ibalik ang kagandahan ng kalikasan. Ito ang kuwento tungkol sa isang pamilya, ang mga Lodores na naapektuhan dahil sa walang tigil na ulan.

                   Sa isang maliit na bayan, dito naninirahan ang mga Lodores. Ang ama ng pamilya na si Jose ay isang magasasaka at minsan-minsan din siya nagbebenta ng mga produkto sa palengke. Ang ina naman na si Lisa ay gumagawa ng pamaypay at nagtitingda din siya ng mga turon at banana q sa maliit nilang tindahan na nasa bahay lang nila. Si Nestor, ang panganay na anak, ay nagtratrabaho bilang isang mangingisda, minsan-minsan lang siya dumaloy sa pamilya niya. Si Jeni, yung pangalawang anak ay nag-aaral sa isang kolehiyo. Ang kurso na napili niya ay medisina dahil nais niyang makatulong sa ibang tao. Ang bunso naman na si Tam ay isang Grade 5 na estudyante sa isang pampublikong paaralan. Mukha lang silang ordinaryong pamilya pero lahat ito ay mababago dahil sa isang pangyayari.

                  Noong isang Sabado umuwi si Nestor dahil sa darating na Linggo ay kaarawan ni Tam. Naghanda siya ng sinigang na bangus pagdating niya sa bahay. Gusto niya kasi ipakita yung mga nahuli niya sa umaga. Dahil gabi na, naghanda rin siya ng ‘dessert’ (ito ay isang tradisyon ng mg Lodores) na tsokolate galling sa convenience store. At habang sila ay kumakain, biglang umulan at habang tumatagal ito ay lumalakas at lumalakas pa. Napansin ni Lisa na lumalakas din ang hangin, bigla siyang natakot at sinabi niya sa kanyang pamilya na kumain nang mabilis. At habang sila ay kumakain nang mabilis napansin ni Jose na nasisira na ang bubong, bigla siyang kinabahan at tumakbo siya sa kuwarto at kinuha niya ang posporo, kandila batterya. Dito napansin ng pamilya na kailangan na nilang mag-empake ng gamit, dahil sa malakas at patuloy-tuloy na pag-uulan unti-unting nababaha ang kanilang bahay. Kinuha nina Jose at Lisa ang mga pagkain, tubig at damit. Habang ang mga anak naman nila ang kumuha ng mga mahahalagang gamit. Pabilis nang pabilis ang pagpasok ng tubig at putik sa loob ng bahay kaya konti lang ang nakuha nila. Tumakbo sila sa taas kung saan nila nilalagay ang bagay na hindi nagagamit, malaki-laki naman ito at konti  lang ang gamit na nalagay doon kaya medyo komportable naman ang pamilya. Ilang araw sila nastranded sa bahay nila dahil sa tuloy-tuloy na ulan at hindi bumababa ang baha.  Sinubukan ni Nestor na maghanap ng tulong gamit ng kanyang cellphone pero halos wala siyang makuhang signal. Dahil dito napagisipan ni Jose na magtiis na lang sila sa taas hanggang bumaba ang baha sa loob ng bahay nila.

                  At noong akala nila na wala nang pag-asa na matutulungan sila, bigla na lang may mga rescuers na nakasakay sa Bangka at tinitingnankung meron pang tao nandoon. Sa saya, kinaway nila ang kamay nila habang tumatalon. Nanirahan muna sila sa evacuation center at noong nabalitaan na nila na bumaba na ang baha, umuwi na sila sa bahay. Pagpasok nila sa bahay nakita nila na maputik na ang bahay nila. Sa itsura ng bahay halos naiiyak na sinabi ni Lisa, “Ganito na ba katindi ang panahon? Na halos kasinglakas ng ulan ang nabibigay ng habagat sa bagyo? Bakit ba ito nangyayari sa atin?” Dahil sa lungkot ng ina, yinuko na lang ng mga anak ang ulo nila. Pagtingin ni Jeni sa putik, napansin niya na hindi lamang siya putik dahil may kasama din itong mga basura. Sinabi ni Jeni sa ina: “Lahat tayo ay isang biktima ng panahonnito dahil inaabusonatin ang binigay ng Diyos sa atin.” “Kaya dapat natin alagaan.” Sabi ni Tam. “Ina, Itay alam ko na hindi ito gaano kalaki na regalo na pinapangarap kong makuha pero gusto ko lamag na lahat tayo ay magtulong-tulong na mapaganda ang kalikasan natin.” Dinagdag ni Tam. “Yan ang pinakamagandang pangarap na nairinig ko anak at mangangarap tayo na magagawa namin ang lahat para mapaganda ang kalikasan.” Sabi ni Jose.

                At mula noon ang pamilyang Lodores ay unti-unting nagbabago, tulad ng trash segregation, pagtitipid nang tubig , ngayon gumagamit din sila ng mga organic na produkto at iba pa. Sa dami ng ginagawa nila para mapaganda ang kalikasan, naimpluensya na nila ang mga kapitbahay. At lahat sila ay nagtulong-tulong at natutong maging handa tuwng umuulan ng malakas. Ang maliit na bayan ay natuto paano magmahal at mag-alaga ng kapaligiran.

Lagi na Lang


Lagi na Lang
ni Pia Sison

"August 7, 2012
Marikina City
Minamahal kong Nestor,

      Tandang tanda ko pa – tatlong taon pa lang ang nakalipas, dumating ang pinakamalaking sakuna sa ating walang hanggang pagmamahalan. Naging malupit siya sa ating tahanan at sa ating tinubuang lupa. Nadama ko ang seguridad nang hinawakan mo ang aking kamay nang hindi ako matanggay. Sinabi ko sa aking sarili na hangga’t hindi tayo naghihiwalay ay alam kong malalampasan natin ito. Ngunit sa bawat yapak natin palabas, lalong lumakas ang alon sa buhay na ating hinaharap. Sa bawat yapak, unting-unti kong naramdaman ang pagkalag ng ating mga daliri. Nawala ka sa aking paningin at ang tanging nagawa ko ay ipagdasal sa Diyos na tayo ay magkatagpo muli.

              Ang tubig ay isa sa mga pang-araw-araw nating pangagailangan – ito ay nagbibigay buhay at ginhawa sa ating mga uhaw at tuyong mga lalamunan. Ngunit aakalain mo ba na darating ang araw na ang bagay na nagbibigay sa atin ng buhay ay maaari ring magkitil nito?

              Kamakailan lamang ay may bagyo na naman – ngunit ipinagpipilitan ng pamahalaan na hindi ito bagyo kundi habagat lamang. Natural, naapektuhan na naman ang ating tirahan; ngunit ngayon, magisa na lamang ako lalaban sa pagsubok na ito. Bakit mo nga ba ako iniwan? Bakit mo kinailangang pabayaan ang kamay kong sabik sa iyong proteksyon?

           Sa hina na ng aking katawan ay mabagal kong naitaas ang mga kagamitan natin; yung iba ay hinayaan ko na lang pumalaot sa labas. Tila ay hindi na kakayanin ng puspos na sa karamdaman kong katawan gawa ng katandaan ang mga ganitong klase ng sakuna. Dili-hindi, binigyan ko ng importansya ang mga huli kong alaala sa iyo bago mo pa man ako iniwan. Lumipas ang bawat minuto at oras na nakaabang lamang ako na humupa ang tubig ngunit, mas lalong tumaas ang lebel ng tubig. Wala akong magawa kundi tignan lamang ang mabilis nitong magpasok sa ating tahanan. Tumingin ako sa durungawan at nakita ang ating mga kapit bahay na unting unti ng nageempake upang lumikas. Pilitin ko man ay marahil hindi ko na ata kayang maghanda pa’t lumikas. Sa durungawan na iyon din ay tanaw ko ang Camacho Nangka Covered Court na lubog na rin sa tubig. Ito rati ang ginamit para sa mga Relief Operation. Ngunit, kung ang mismong lugar na dapat hinihingan ng tulong ay lubog na, may pag-asa pa ba? Marahil ay nailipat ang relief operations sa Nangka Elementary school; ngunit sa layo niyon sa ating tahanan ay ang tanging magagawa ko ay maghintay na lang ng pagsikat ng bagong araw.

           Alam mo, lapitin nga siguro tayo ng sakuna, ano? Natatandaan ko pa nung unta tayong nagkita; kasagsagan ng bagyong Yoling n’on – apektadong-apektado ang Metro Manila. Nakilala kita sa mga Relief Operation na aking sinalihan. Kahit na nasalanta rin ang aking tahanan ay minabuti ko pa rin tumulong sa iba at aba, hindi naman ako nagsisi dahilt nakilala naman kita. Kung iisipin, marahil ay mayroon din mabuting nadudulot ang bagyo paminsan minsan dahil sa araw na iyon nagsimula ang matamis nating pag-iibigan. Sabay tayong bumangon at nagsimula muli.

               O’ Nestor, ayan na ang araw! Humuhupa na ang tubig. Isa na namang trahedya ang mag-isa kong hinarap. Paano ba ‘yan, sa susunod nalang muli; sana sa susunod, makapiling kita muli.

Nagmamahal ng wagas,
Coring”

                Matapos magsulat ni Coring para sa kanyang asawang si Nestor ay nag-ayos na siya ng bahay na kahapon lang ay nasalanta ng bagyo. Ang tanging nasabi niya sa sarili ay, “Hay, mag-isa na naman ako. Mali, mag-isa pa rin ako.”



up