Ang Habagat na Nagbago ng Buhay
ni Gianina Cuartero
Kada taon unti-unting nasisira ang kalikasan, naapektuhan
ang kalagayan o panahon ng buong myndo. Dumadami at sunod-sunod ang pagdating
ng ulan at bagyo, madami na ang naapektuhan dito tulad ng pagbabaha sa loob ng
bahay, nagkakasakit at nawawalan ng malinis na tubig at pagkain. Ito ang
higanti ng kalikasan sa atin, pero meron ba tayong ginagawa para mapigilan o
iwasan ito? Pero kung meron naman tayong ginagawa ay minsan nakakalimutan natin
itong gawin o konti lang ang sunusuporta para ibalik ang kagandahan ng
kalikasan. Ito ang kuwento tungkol sa isang pamilya, ang mga Lodores na
naapektuhan dahil sa walang tigil na ulan.
Sa isang maliit na bayan, dito naninirahan ang mga Lodores.
Ang ama ng pamilya na si Jose ay isang magasasaka at minsan-minsan din siya
nagbebenta ng mga produkto sa palengke. Ang ina naman na si Lisa ay gumagawa ng
pamaypay at nagtitingda din siya ng mga turon at banana q sa maliit nilang
tindahan na nasa bahay lang nila. Si Nestor, ang panganay na anak, ay nagtratrabaho
bilang isang mangingisda, minsan-minsan lang siya dumaloy sa pamilya niya. Si
Jeni, yung pangalawang anak ay nag-aaral sa isang kolehiyo. Ang kurso na napili
niya ay medisina dahil nais niyang makatulong sa ibang tao. Ang bunso naman na
si Tam ay isang Grade 5 na estudyante sa isang pampublikong paaralan. Mukha
lang silang ordinaryong pamilya pero lahat ito ay mababago dahil sa isang
pangyayari.
Noong isang Sabado umuwi si Nestor dahil sa darating na
Linggo ay kaarawan ni Tam. Naghanda siya ng sinigang na bangus pagdating niya
sa bahay. Gusto niya kasi ipakita yung mga nahuli niya sa umaga. Dahil gabi na,
naghanda rin siya ng ‘dessert’ (ito ay isang tradisyon ng mg Lodores) na
tsokolate galling sa convenience store. At habang sila ay kumakain, biglang
umulan at habang tumatagal ito ay lumalakas at lumalakas pa. Napansin ni Lisa
na lumalakas din ang hangin, bigla siyang natakot at sinabi niya sa kanyang
pamilya na kumain nang mabilis. At habang sila ay kumakain nang mabilis
napansin ni Jose na nasisira na ang bubong, bigla siyang kinabahan at tumakbo
siya sa kuwarto at kinuha niya ang posporo, kandila batterya. Dito napansin ng
pamilya na kailangan na nilang mag-empake ng gamit, dahil sa malakas at
patuloy-tuloy na pag-uulan unti-unting nababaha ang kanilang bahay. Kinuha nina
Jose at Lisa ang mga pagkain, tubig at damit. Habang ang mga anak naman nila ang
kumuha ng mga mahahalagang gamit. Pabilis nang pabilis ang pagpasok ng tubig at
putik sa loob ng bahay kaya konti lang ang nakuha nila. Tumakbo sila sa taas
kung saan nila nilalagay ang bagay na hindi nagagamit, malaki-laki naman ito at
konti lang ang gamit na nalagay doon
kaya medyo komportable naman ang pamilya. Ilang araw sila nastranded sa bahay
nila dahil sa tuloy-tuloy na ulan at hindi bumababa ang baha. Sinubukan ni Nestor na maghanap ng tulong
gamit ng kanyang cellphone pero halos wala siyang makuhang signal. Dahil dito
napagisipan ni Jose na magtiis na lang sila sa taas hanggang bumaba ang baha sa
loob ng bahay nila.
At noong akala nila na wala nang pag-asa na matutulungan
sila, bigla na lang may mga rescuers na nakasakay sa Bangka at tinitingnankung
meron pang tao nandoon. Sa saya, kinaway nila ang kamay nila habang tumatalon.
Nanirahan muna sila sa evacuation center at noong nabalitaan na nila na bumaba na
ang baha, umuwi na sila sa bahay. Pagpasok nila sa bahay nakita nila na maputik
na ang bahay nila. Sa itsura ng bahay halos naiiyak na sinabi ni Lisa, “Ganito
na ba katindi ang panahon? Na halos kasinglakas ng ulan ang nabibigay ng
habagat sa bagyo? Bakit ba ito nangyayari sa atin?” Dahil sa lungkot ng ina,
yinuko na lang ng mga anak ang ulo nila. Pagtingin ni Jeni sa putik, napansin
niya na hindi lamang siya putik dahil may kasama din itong mga basura. Sinabi
ni Jeni sa ina: “Lahat tayo ay isang biktima ng panahonnito dahil inaabusonatin
ang binigay ng Diyos sa atin.” “Kaya dapat natin alagaan.” Sabi ni Tam. “Ina,
Itay alam ko na hindi ito gaano kalaki na regalo na pinapangarap kong makuha
pero gusto ko lamag na lahat tayo ay magtulong-tulong na mapaganda ang kalikasan
natin.” Dinagdag ni Tam. “Yan ang pinakamagandang pangarap na nairinig ko anak
at mangangarap tayo na magagawa namin ang lahat para mapaganda ang kalikasan.”
Sabi ni Jose.
At mula noon ang pamilyang Lodores ay unti-unting nagbabago,
tulad ng trash segregation, pagtitipid nang tubig , ngayon gumagamit din sila
ng mga organic na produkto at iba pa. Sa dami ng ginagawa nila para mapaganda
ang kalikasan, naimpluensya na nila ang mga kapitbahay. At lahat sila ay
nagtulong-tulong at natutong maging handa tuwng umuulan ng malakas. Ang maliit
na bayan ay natuto paano magmahal at mag-alaga ng kapaligiran.
0 komento:
Post a Comment