Pana-Panahon ng Pagkakataon


Pana-Panahon ng Pagkakataon
ni Karen Ramos

             “Sapagkat sa panahong ito, ang hanging Habagat ay patuloy pa rin sa paghumpasay sa buong Metro Manila, kaya idineklara nang walang pasok ang lahat ng antas ng paaralan buong linggo.” Narinig ito ni Yna sa radyo habang siya’y nag-mumuni-muni sakanilang kabahayan. Siya’y agad nagtawag ng kanyang mga kaibigan upang simulan ang pag-sasaya sa 1 linggong wala silang gagawin kundi magpakasabog sa libreng panahon.


                        “Osya, bebu, tatawagin ko na ang buong barkada! Nakapag-paalam ka na ba kila Tita Tina at Tito Albert?” banggit ni Shiela sa telepono habang kausap si Yna. Sagot ni Yna, “Oo naman! Sige lang, sandali, tatawagan ko si May kung makakauwi siya para kumpleto naman tayo rito at matagal ko na rin siyang hindi nakikita.” “Oh sige, bibili na kami ng mga kasangkapan sa ating pagsasaya.” Paalam ni Shiela pagkatapos ay baba ng telepono.


                         Hapon ito, madilim ang mga ulap at may baha na sa labas ng bahay nila Yna, ngunit hindi ito nakapagpigil sakanilang pagtitipon sapagkat mandirigma ang kaniyang mga kaibigan. Unang dumating si Dan, ang dating kasintahan ni Yna.


                        “Ynaaaa! Ito nanaman tayo, ano, balik sa dating gawi!” patawang sabi ni Dan. “Ayos lang iyon, Dan, paminsan-minsan nalang ang opurtunidad na ito kaya’t sulitin na! Asan na ba iyong iba?” sabi ni Yna, habang siya’y nag-aayos ng mga lamesa at upuan. Tinulungan siya ni Dan sabay banggit, “Paparating na, mabagal ang lakad kapag may kalaban kang tubig, Yna. Konting tiis lang. Bumili na rin sila kasama si Shiela.”


                        Lumipas ang 5 minuto ay nagsidatingan na silang lahat sabay-sabay. Inaasar ng barkada si Dan, “Aba aba, ano itong nakikita ko, muling ibalik ba?” hirit ni Mario kay Dan. “Hoy, hoy, hoy, gumagawa nanaman kayo ng isyu diyaan ha, hali na nga kayo at simulan na natin ito!” Sagot ni Dan sakaniyang mga kaibigan. “Nasaan si May, Yna? Hindi ba dapat makakauwi na siya ngayon sapagkat wala naman nang pasok?” malungkot na sabi ni Allan. “Na-trap daw siya doon eh, mataas-taas ang tubig, mahirap daw tahakin ng komyut. Susubukan daw niyang humabol kapag masundo siya ni Tito.” “Pati nga daw si Dianne eh, wala sila parehong kasama doon. Kawawa naman. Tawagan natin!” pahabol ni Shiela. At habang sila’y nag-kwekwentuhan at nag-iinom, lumabas si Albert, ama ni Yna, para sabihin ang malungkot na balita. “Anak, mukhang mahihirapan silang sunduin roon si May, nagpatawag na kami ng rescue patrol para malutasan na. ‘Di nakakadaan ang mga kotse sa lugar nila, eh.” “Hala! Sige, Pa, kakamustahin ko sila doon. Sana ligtas sila.” Pasigawa na sabi ni Yna.


                      Sabay-sabay nilang kinausap si May sa telepono, may kasamang asar at hiyaw at pagkalungkot sapagkat siya nanaman ang wala sa barkada ng araw na iyon. “Hayaan niyo, tirhan niyo ako at pagdating ko diyaan, ipapagtuloy natin ito! Huwag niyo ako masyadong mamiss ah, kung makakalipad lang ako, hay naku, mas nauna pa akong nag-iinom diyan.” Pabirong sabi ni May. Pahabol pang, “Si Dianne nga eh, gusto na naming magsama kaso nasa kabilang dako siya ng mundo, ang hirap puntahan, may ahas na nakawala sa bahang tatahakin namin kaya’t nanatili nalang kami dito kaysa mamatay ng ‘di oras.” Natakot si Allan kaya’t sinabi, “Hoy mag-ingat kayo diyan, please. Please lang, May. Gusto ka pa naming makitang buo, walang labis at kulang. Makipag-kaibigan ka muna diyaan sa ibang mga kasambahay mong ewan, para ‘di ka masyadong mabaliw nang mag-isa.”


                      Humirit ang barakada, “Woshooooo! Miss ka lang niyan May! Ha ha ha!”


                     Nanatili si May na nasa telepono lang habang ang barkada ay magkakasama at patuloy sa pakikipag-usap sakaniya nang sabihin niyang, “Guys! Papunta na ang rescue namin! Sa wakas at maliligtas na kami rito. Osiya, kita-kits nalang ha! Makikikain lang ako sa kapitbahay ko at mukhang napakasarap ang kanilang handa.”


                 Naghiyawan ang lahat at talagang nagtira pa sila para kay May at Dianne. Sa dorm ng USTE habang si May ay nag-aayos ng kanyang gamit, dumating ang rescue patrol at sumama na siya, kasama si Dianne.


              Nakarating na sila sa bahay ni Yna, at pinagpatuloy pa nila ang pag-sasaya sapagkat sila’y nakumpleto na, walang labis, walang kulang, tulad ng ipinangako at gusto ni Allan. Nagsama-sama at nagyakapan sila, at kinaibigan rin ng mga lalaki si Dianne, na siyang matalik na kaibigan nila Shiela at Yna.


                    Natapos ang araw nang silang lahat ay masaya at ligtas sa habagat na hangga’t sa huling sandali ay wumawasak parin sa buong Metro Manila, ngunit hindi nila ito hinayaan na hangtungan sakanilang pagsasama at pagsasaya dahil minsan ang panahon ay, weather, weather lang talaga.

0 komento:

Post a Comment


up