Ang Kasagsagan ng Habagat

Ang Kasagsagan ng Habagat
ni Natasha Castillo-Lee

                    Setyembre 26, 2009, ang araw na hindi kailanma’y makakalimutan ng mga Pinoy. Ito ang araw na marami ang nabago ang buhay. Ika nga naghagsik ng lagim ang bagyong Ondoy, tila isang masamang panaginip. Nagdulot ito ng malaking pinsala sa mga tahanan, istraktura at ang kalikasan. Halos buong araw na bumuhos ang napakalakas na ulan. Marami ang nawala at namatay. Maituturing na ang bagyong Ondoy ang pinakamalakas sa lahat ng mga nagdaang bagyo. Ilang taon na rin ang nakalipas ngunit hindi pa rin sapat para maghilom ang mga sugat ng lahat na naapektuhan noon.

            Sa isang malapalasyong bahay ay may nakatira na kambal na babae, na nagngangalang Demmie at Debbie. Ang kanilang Ama ay kasalukuyan na nasa abroad dahil may tinatapos lang na trabaho doon. Samantala ang kanilang Ina ay pumanaw dahil sa walang tigil ang pagtulong niya sa mga kababayan noong kasagsagan ng bagyong Ondoy. Tila isang anghel sa lupa dahil siya ay mapagmahal at binibigyan niya ng halaga ang mga hayop, kalikasan at ang mga kababayan. Marami siyang proyekto para sa mga ito kahit na hindi siya politoko. Hindi tulad ng kanilang Ina, sina Demmie at Debbie ay makasarili, hindi nakikisalamuha sa mga tao, nag-aaksaya ng pagkain, burara. Parating pinapaalala ni Yaya Tarsing, ang kanilang yaya sa maraming taon ang kahalagahan ng lahat ng bagay.


                 Dumating ang araw na hindi na kaya umano nina Yaya Tarsing at ng kanilang ama ang pag-uugali ng kambal. Hindi napigilan ni Yaya Tarsing ang kanyang sarili at kinausap ang kambal “alam ninyo napakaswerte ninyo. Marami ang walang makain, walang tirahan, walang maayos na pamumuhay, pero kayo halos lahat nasa inyo na. Bakit ba hindi ninyo makita ang kahalagahan nito? Imbis na pinagdadamot ninyo ang lahat ng meron kayo sana matuto kayong magbigay sa mga nangangailangan. Tandaan ninyo ginawa ng Diyos na mayroon kayong maayos na buhay para tulungan ang iba. Hindi pa naman huli ang lahat. Huwag ninyong bibiguin ang inyong mga magulang.” At habang nagsasalita si Yaya Tarsing lumabas sa balita na may namumuong sama ng panahon na maaring maging kasing lakas ng Bagyong Ondoy. Sabi ni Yaya Tarsing “O ayan, may bagong bagyo ulit, siguradong marami ang mangangailangan ng tulong natin.”

                      Ikalawang araw makalipas ang balita tungkol sa habagat. At tila lumalakas pa ito, wala namang bagyo pero ito ay napakalakas. Naglalaro umano ang kambal hanggang sa may naririnig sila sa kanilang gate. Mga limang pamilya ang nandoon, humihingi ng tulong. Pinaalis sila ng kambal pero hindi kaya ng kanilang guwardya dahil gusto rin niyang tumulong kaya’t yung kambal ang nagpaalis. May isang Ina doon at sinabi “napakasakim ninyo, bakit hindi ninyo gayahin ang inyong magulang? Sana maranasan ninyo ang pinagdadaanan namin ngayon para malaman ninyo kung gaano kahirap.” Sumapit na ang gabi at tila napakalakas nan g ulan, ang baha sa kanilang lugar ay halos nasa beywang na. Pinapaalis na sila ng mga taga baransgay para lumipat sa covered court. Tinawagan ni Yaya Tarsing ang kanyang amo para sabihin ang tulong dito. Napagdesisyunan na lumikas na sila. Ayaw na ayaw ng kambal ngunit wala naman silang magawa.

                       Matapos ang dalawang araw na nasa covered court sila ay nakabalik na sila sa mga kabahayan at naiintindihan na nila ang mga bagay-bagay. Naisip din nila na kung sila nga dalawang araw lang napagdaanan ay hirap na hirap sila, papaano pa kaya ang mga tao na matagal na nilang pinagdadaanan at natuto pa silang ngumiti sa kabila nito. Pagkauwi ng Ama nila ay laking tuwa na ang kambal ay tumutulong sa mga naapektuhan ng bagyo at pinagmamalaki sila ng kanilang Ama. Kaya mula noon ay tumutulong na sila para sa ikabubuti na mga tao, hayop at kalikasan.
At diyan nagtatapos ang maikling kwento.

0 komento:

Post a Comment


up